Tuesday, April 7, 2020

Sundalong Tumutulong sa COVID-19 Humanitarian Work, Pinatay ng NPA!

Isang sundalong ang binawian ng buhay nang tambangan ng New People’s Army (NPA).
Nagsasagawa ang grupo ni Private First Class Mark Nemis ng coronavirus disease 2019 (covid-19) awareness effort nang atakehinn sila ng mga rebeldeng komunista. Ang grupo ni Nemis ay pinangungunahan ni Second Lieutenant Roel Duran.

Base sa naunang imbestigasyon, nagsasagawa ng preemptive security patrol ang ating kasundaluhan sa Barangay Panuran, Lambunao Iloilo nang paulanan sila ng bala ng mga NPA. Nangyari ito ng bandang ala-7 ng umaga.
Ayon sa impormasyon ng militar, pinangunahan ni Carl Teodosio alias “Ami/Andoy” ang mga rebeldeng komunista sa pag-atake sa mga sundalong tumutulong.
Matapos magkapalitan ng putok, nagsitakbuhan ang mga NPA sa Janiuay, Iloilo. Narekober naman ng mga kasundaluhan ang isang M16 long magazine, 5.56 ammunition, at isang bag na naglalaman ng subversive documents na mayroong high level intelligence value.
Bandang alas-9 ng umaga ay umatake muli ang mga rebelde sa mga sundalo. Sa pagkakataong ito ay dala ng mga sundalo ang katawan ni Private First Class Nemis.
Kinundina ng 3rd Infantry division ang paglabag ng NPA sa ceasefire.

“Instead of helping our people fight COVID-19 pandemic, these communist-terrorists are taking advantage of the situation to conduct atrocities distracting the COVID-19 efforts of our troops. They are the ones violating their ceasefire, since they purposely left their lairs in the mountains and went down to the barangays where our troops are doing humanitarian activities… Despite our loss, we will remain resolute in serving our people, especially in a situation like this where we are facing health crisis. As we strengthen our COVID-19 efforts, we will also be intensifying our defensive action to protect our people from the menace of these terrorists, the true viruses of the society,” sabi ni Major General Eric Vinoya ng 3rd Infantry (Spearhead) Division.

Source: 3ID Philippine Army | Sunstar | Kalinaw | Aklan Media
Loading...

SHARE THIS

Author:

https://www.worldthatnews.info/

1 comments:

Jeffrey Tan said...

NEVER TRUST AN ENEMY WHATEVER THEY SAY.