Hindi maitago ni ABS-CBN Maris Racal ang lungkot na kanyang nadarama matapos ibasura sa kongreso ang aplikasyon ng prangkisa ng ABS-CBN.
Lubos na ikinalungkot ni Racal na 70 ang bumoto na huwag bigyan ng prangkisa ang Kamapamilya network.
Kaya nanawagan siya sa mga tao na bumoto sa 2022.
“This is so heartbreaking. di ako makapaniwala, di ko alam. Sobrang nakakaiyak. That was 70 VOTES… Hanggang drafts nalang yung ibang gusto kong sabihin. Boto tayo sa 2022,” boladas ni Racal sa pamamagitan ng kanyang social media account.
Maggunita na naging laman ng social media ang aktres nitong mga nakaraang buwan dahil sa batikos nito sa gobyerno.
“Positive na sukang suka na sa government. good people are outnumbered,” patutsada ni Racal.
Simula noong Mayo 5, naharap ang ABS_CBN sa masalimuot na isyu ng kanilang prangkisa. Magugunita na ipinatigil ng National Telecommunication Commission (NTC) ang pag-ere ng istasyon matapos mapaso ang prangkisa sa ng network.
Nitong nagdaang mga araw ay nagkaroon ng pagdinig sa kongreso kaugnay sa prangkisa ng ABS-CBN. Sa nasabing mga hearings, lumitaw ang mga hindi magandang labor practices ng istasyon, tax avoidance schemes at marami pang ibang isyu.
“It is what it is — a denial of a privilege granted by the State because the applicant was seen as undeserving of the grant of a legislative franchise. By no means can this franchise application be related to press freedom. If it were so, then all applicants for legislative franchises covering mass media could simply claim such freedom and force the hand of this Committee each time… It is what it is — a denial of a privilege granted by the State because the applicant was seen as undeserving of the grant of a legislative franchise. By no means can this franchise application be related to press freedom. If it were so, then all applicants for legislative franchises covering mass media could simply claim such freedom and force the hand of this Committee each time… Such a scenario is totally inconsistent with the nature of legislative franchises as a mere privilege and never a matter of right. Wherefore, in view of the foregoing, the technical working group respectfully recommends the DENIAL of the franchise application of ABS CBN Corporation,” sabi sa report ng Technical Working Group’s (TWG) Committee ng Kongreso.
0 comments:
Post a Comment